Posts

LAKBAY SANAYSAY

Image
PAGHABI NG KWENTO SA BAWAT HINTO Ang paglalakbay ay hindi lamang basta pagpunta sa iba’t ibang lugar; ito ay isang paraan upang maranasan ang kasaysayan, kultura, at kagandahan ng Pilipinas. Sa bawat hakbang at tanawin, natututo tayo hindi lamang tungkol sa lugar kundi pati na rin sa kwento ng mga tao at tradisyon na bumuo sa ating bansa. Sa bawat sulok ng bayan, may aral at inspirasyong matatagpuan, at ang ating kultura at panitikan ay mas magiging malinaw kapag ating naranasan mismo ang mga ito. Halina’t samahan ninyo ako sa isang kakaibang paglalakbay sa walong magagandang tanawin sa Pilipinas. Ang aking unang hakbang sa paglalakbay ay nagdala sa akin sa kabundukan ng Cordillera, sa Banaue Rice Terraces , kung saan ang bawat palayan ay tila sining na hinabi sa kalikasan, isang lugar na kilala sa kanyang malalawak at hagdang-hagdang palayan na tila sumasayaw sa mga bundok.  Pagdating ko sa Banaue Rice Terraces , agad kong napansin ang malalawak at hagdang-hagdang palayan na bumab...